Sunday, February 2, 2014

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano (Ingles: Philippine-American War) ay isang digmaan sa pagitan ng hukbong sandatahan ng Amerika at ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1903.
Ang labanang ito ay tinatawag ding Himagsikang Pilipino (Philippine Insurrection). Ang pangalang ito ay mas kadalasang ginagamit sa Estados Unidos, ngunit tinutukoy naman ng mga Pilipino at lumalaking bilang ng Amerikanong mananalaysay ang labanang ito bilang Digmaang Pilipino-Amerikano, at noong 1999, binago na ng U.S. Library of Congress ang lahat ng pagtukoy sa labanan na gamitin ang katawagang ito.


Ito ay ilan lang sa mga sumusunod na halimbawa ng impluwensya ng Amerikano sa mga Pilipino: 

1. wika 
2. pangkat ng tao 
3. edukasyon 
4. panahanan 
5. pananamit 
6. transportasyon 
7. komyunikasyon 
8. libangan/ laro 
9. relihiyon 
10. musika/ sayaw 
11. pagkain 
12. kaugalian 
13. sining 
14. kabuhayan 
15. pamahalaan 


Ang mga Amerikano ang nagpakilala sa atin ng kanilang sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay ginagamit natin. Ang mga Amerikano ang nagpakilala sa atin ng kanilang sistema ng edukasyon na hanggang ngayon ay ginagamit natin.

nagkaroon ng digmaang Pilipino-Amerikano dahil sa dalawang pilipinong tumawid sa liinya ng nasasakupan ng mga amerikano. Hindi nila inalintana ang utos ng mga magba2ntay na tumigil subalit nagpatuloy parin sila sa paglakad. hanggang napilitan sila na magpaputok. tinamaan ang ilan sa mga pilipino at isa dito ay opisyal. Sumunod ang palitan ng putok. Maraming sa mga pilipino ang nasugatan.

Ang mga amerikano ay di tinawag bilang maputing lahi sa walang dahilan. Ang kanilang balat ay pinkish o maputi. Sila ay matatangkad at my matangos na ilong at ang mga buhok nila may kulay tulad ng itim, darkbrown, red, blond, brown at ibang related na shades o kulay. Sila ay balbunin at malalaking tao.

Naganap ito habang nasa Hongkong si Emilio Aguinaldo bilang pagtupad sa kasunduan sa Biak-na-Bato. Ang Digmaang Espanyol-Amerikano ay nagsimula noong 1898 nang pasabugin ang USS Maine at lumubog sa daungan ng Havana, na ipinadala sa Cuba upang mabuo ng isang mapayapang resolusyon sa pagitan ng mga ambisyon ng Cuba na maging malaya at ang kolonyalismo ng Espanya. Matapos matalo ni Commodore George Dewey ang mga Espanyol sa Maynila, inimbitahan niya na bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas, na ginawa niya noong Mayo 19, 1898.

MALAKI ang naging impluwensya ng mga Amerikano sa kultura at sining ng mga Pilipino.
Wikang English.. Sapilitan ang pag-aaral ng wikang ito. Ito ang ginamit na wikang panturo sa lahat ng mga paaralan.
Ang dating mga pangalang Espanyol tulad ng Pedro, Juan, Maria, Tomas, Jose at iba pa ay naging Peter, John, Mary,
Tom, Joe at iba pa. Maging ang mga paraan ng pagbati at katawagan ay naging English tulad ng Hello at Bless po. Ang
Inang ay naging Mommy at ang Amang ay naging Daddy.

Panitikan. Sumilang ang isang bagong anyo ng panitikan na nasusulat sa wikang English kahit pa nga naglalahad ng
mga saloobin at adhikaing Pilipino. Ang unang makatang Pilipino sa wikang English na tumanyag ay si Fernando
Maramag. Ang unang nobelang English ay isinulat ni Zoilo M. Galang noong 1921. Ang una namang sumikat na
mamamahayag sa English ay si Carlos P. Romulo

Teatro. Pinalitan ng zarzuela ang moro-moro ng mga Espanyol. Si Severino Reyes, may-akda ng walang kamatayang
Walang Sugat, ang pangunahing manunulat ng mga dulang pantanghalan. Ang panahon mula 1905-1930 ang
ginintuang panahon ng zarzuelang Pilipino. Ngunit nang mauso ang pelikula mula sa Hollywood, unti-unting namatay
ang zarzuela at nahilig ang mga tao sa panonood ng pelikulang English.
Sining. Umunlad din ang sining ng arkitektura, iskultura at pagpipinta. Sikat na mga arkitekto noon sina Juan F. Nakpil,
Andres Luna de San Pedro, M. Arellano at Pablo S. Antonio. Sa larangan ng pagpipinta, natanyag si Fabian dela Rosa,
pinakadakilang pintor ng panahon ng Amerikano, gayundin sina Fernando Amorsolo, Emilio Alvero at Victor C. Edades.



Pananamit at Pagkain. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng mga pantalong may sinturon at suspender, kurbata
at polo shirt.Ang mga kababaihan ay natutong magsuot ng maiikling damit, palda at blusa, sapatos na may mataas na
takong at manipis na medyas. Natuto rin silang maglagay ng make up. Natuto ang mga Pilipino na kumain ng sandwich,
hamburger, hotdog, bacon, oatmeal, beef steak, ice cream, hamon at keso. Natuto silang gumamit ng mayonnaise at
tomato catsusp bilang panangkap sa mga pagkain.

Libangan, Musika at Sayaw. Natutunan ng mga Pilipino ang paglalaro ng basketball, baseball, football, boxing, tennis at
poker. Naging bahagi ang pakikinig ng radyo, pagbabasa ng mga klasikong aklat at pagtungo sa mga karnabal.
Nakagiliwan naman ang tugtuging jazz at swing gayundin ang mga sayaw na boogie-woogie, fox-trot, charleston at rhumba.


posted by: DOMINIC DE VERA